|
Ang pagsasama nina Gina Alajar, Michael de Mesa, Jaclyn Jose at Mark Gil ang isa sa mga dahilan kaya dapat panoorin ang remake ng Valiente na magsisimula sa February 13 at mapapanood sa TV5.
Ang Valiente ang pinakamatagumpay na afternoon drama series sa Philippine TV dahil tumagal ito ng limang taon sa ere.
After 20 years, ibabalik ng TV5 ang television series na pinagbidahan noon nina Michael de Mesa at Tirso Cruz III.
Matagal nang nag-migrate sa Amerika si Michael at meron nang regular job sa California, pero hindi siya nagdalawang-isip na bumalik sa Pilipinas nang matanggap niya ang alok para maging bahagi ng remake ng Valiente.
“Valiente lang which is close to my heart ang one word na sinabi sa akin kaya tinanggap ko ang offer,” ani Michael nang makausap namin sa press launch ng Valiente na ginanap noong Lunes sa Haciende Leviste, Lipa City, Batangas.
Nagpapasalamat si Michael sa kanyang American employer dahil pinayagan siya na magbakasyon nang matagal para sa taping ng Valiente.
For Michael, there’s no place like home at naririto pa rin sa Pilipinas ang kanyang pamilya. Hindi raw niya naiisip na mag-retire sa Amerika dahil siguradong babalik siya sa Pilipinas.
***
Like a true gentleman, walang sinabi na masama si Mark Gil laban kay Jaclyn Jose nang usisain ng press ang pagsasama nila sa Valiente ng dating karelasyon. Ayon kay Mark, very civil sila ni Jaclyn sa isa’t isa.
Magkaibigan daw sila at masaya sa set ng Valiente kaya wala siyang masabi na awkward moments nila ng former girlfriend at ina ng kanyang anak na si Andi.
Pero nagulat ang entertainment press dahil ibang-iba ang mga pahayag ni Mark sa mga sagot ni Jaclyn.
“Civil kami. We’re just co-workers. We don’t talk much. I can sense he doesn’t like me. I don’t like him either,” ang walang patumpik-tumpik na sagot ni Jaclyn nang tanungin ito tungkol sa working relationship nila ni Mark.
Idinagdag pa ni Jaclyn na ayaw yata ng pagkakataon na maging magkaibigan sila ni Mark. Aniya, “He’s living his life. I’m living mine.”
Nang ipaalaala namin na minsan niyang minahal ng sobra si Mark, tumingin sa amin si Jaclyn ng diretso at nagsalita ng “Ang minsan pala ay natatapos din. Natutuldukan din. Hindi niya ako ipinagpalit (sa iba). Iniwan ko siya...”
Nang punahin ng press people ang magandang rehistro niya sa kanyang mga eksena sa Valiente, ipinagmalaki ni Jaclyn na 15 pounds ang nawala nang huminto siya ng pagkain ng kanin sa gabi.
Napangiti si Jaclyn nang purihin ng mga kausap ang kanyang “freshness” pero may sagot ang award-winning actress sa tanong na kung fresh na fresh siya, ano si Mark?
“Tuyot...ah, not so fresh...? I think he’s working too hard. Alagaan na lang niya ang sarili niya. Wala kaming gap...
Parang wala lang... Parang hindi kami nagkaanak,” ang mga sumunod na dialogue ni Jaclyn tungkol kay Mark na ikina-amuse ng entertainment press.
|