SUNDAY, FEBRUARY 12, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
TOP STORIES
Self-destruct na si CJ Corona

(Bernard Taguinod/Boyet Jadulco)

 

Imbes na nakatulong kay Chief Justice Renato Corona ang inisyung temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court (SC) para protektahan ang dollar account ng Punong Mahistrado laban sa pagkabilad, mistulang na-self-destruct ito.

Ito ang paniwala kahapon ni Congressman-Prosecutor Neri Colmenares na nagsabing pwedeng lalo lamang nabaon sa paghuhusga ng taumbayan ang pag-awat ng SC na mabuksan sa Senate-Impeachment Court ang mga dollar accounts ni Corona.

“Actually, tingin ko convicted na siya ng mga tao sa ginawa ng SC. Bakit nila ayaw pabuksan ang dollar account? Iniisip ng mga tao…ah marami talaga itong itinatago,” pahayag ni Colmenares.

“Whatever public trust that Corona has left so far will completely disappear,” komento naman ni Bayan Muna party-list Rep. Teddy Casino gayundin si Congresswoman-Prosecutor Arlene ‘Kaka’ Bag-ao ng Akbayan partylist.

Sinabi naman ni prosecution spokesman Rep. Juan Edgardo “Sonny” Angara na posibleng malaki ang dollar accounts ni Corona kaya ayaw niyang malaman ito ng mga tao dahil tiyak na hihingan siya ng paliwanag kung saan ito nanggaling.

Mga tagapagsalita --- Naging panauhin kahapon sa lingguhang Annabelle Forum sa Quezon City ang mga tagapagsalitang sina Atty. Midas Marquez ng Korte Suprema at Atty. Karen Jimeno ni Chief Justice Renato Corona. (Art Son)

“Baka masyadong malaki ang kanyang dollar account at siyempre kapag nalaman iyan ng mga tao ang susunod na tanong diyan, sino ang nagbigay sa iyo o kaya saan at paano ka nagkaroon niyan?

Baka hindi kayang iesplika kaya pinahaharang na lang,” dagdag pa ni Angara.

Sa panig naman ng 188 Movement, sinabi naman ng grupo na kahit sa peso account pa lamang ni Corona ay maaari nang mag-convict si Corona dahil hindi na ito tugma sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Ayon naman kay Senator-Judge Antonio Trillenes IV, walang dapat ikabahala ang ibang indibidwal at ilang sektor sa nangyayaring pagbusisi ng Senado sa dollar account ni Corona sa impeachment trial dahil ito’y ‘espesyal na kaso at sitwasyon’ lamang.

“First of all, the exception from the bank and foreign currency deposit secrecy laws which will result from the implementation of the subpoena will apply to a handful of impeachable officials only and specifically in impeachment cases only,” paliwanag ni Trillanes.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.4800
Bahrain Dinar 112.739
Euro 56.0496
HK Dollar 5.47772
Japan Yen 0.547035
Saudi Riyal 11.3275
S’pore Dollar 33.6809
Taiwan Dollar 1.43611
UAE Dirham 11.5661
UK Pound 66.9187
COLUMNIST OF THE DAY
Makatulong sa lahat ang resignation ni Corona

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section