| ENTERTAINMENT |
- JOJO GABINETE: Nonito Donaire, binuweltahan ni Nanay Donaire!
- ALFIE LORENZO: Piolo, ayaw mag-showbiz si Iñigo?
- JUN NARDO: Sarah, gustong kausapin ng maayos si Cristine
- REY PUMALOY: Alex Gonzaga, kabado kina
Alice Dixson at Susan Roces
- JOE BARRAMEDA: Princess, desidong maging nurse
- Malanding young actress,
hiniwalayan ng basketbolista dahil sa kaseselos!
- Bianca at JC Intal, madalas mag-date!
- Rufa Mae, wala na sa kuwadra ni Boy Abunda!
- Solenn, never say never
sa ‘relasyon’ kay Richard!
- Aljur Abrenica, malambing kay Bela Padilla!
|
Hindi na idine-deny ni Bianca Gonzalez na nagdi-date or nanliligaw nga sa kanya ang dating boyfriend ni Carla Abellana na si JC Intal. Pero pinaninindigan ni Bianca na single pa rin daw siya at hindi pa raw niya ito sinasagot.
Sey pa ni Bianca, nasa getting-to-know-stage pa lang daw sila ng basketball player.
“Bago pa lang naman. It’s just before Christmas lang. Siguro mga October, so, hayaan na muna nating getting-to-know stage.”
So far, magaganda naman daw ang feedback na natatanggap ni Bianca patungkol kay JC. Pero kinikilala pa raw niya itong mabuti.
“Mabait naman siya at sa mga naririnig ko namang kuwento with other people, mabait naman daw. Kaya gusto ko pahabain pa ‘yung getting-to-know time kasi, minsan kapag kayo na, doon ka may nakikitang iba pala, ‘di ba?”
Colorful kung i-describe ni Bianca ang nakaraang 2010 niya kasama na raw ang lovelife niya kaya parang traumatized pa raw siya kaya gusto niya, sa susunod, hindi na ‘yung nagmamadali siya.
On the other hand, sa isyung Toni Gonzaga at Mariel Rodriguez, pinanindigan naman niyang ayaw raw niyang pumagitna sa mga kaibigan.
“Okay naman na sila. Hindi pa lang sila nagkikita,” sey niya.
Hindi naman daw niya napi-feel na nasa gitna siya ng dalawa.
“Mapi-feel mo lang naman na nasa gitna ka kung nagpapaka-gitna ka, kung umeepal ka. Eh, for me naman, sa kanilang dalawa ‘yun. Labas ang kahit sinong tao roon. And I never felt na naipit ako. Saka support lang ako sa kanilang dalawa.”
Inamin ni Bianca na may mga tao rin daw na nagta-try na siraan sila ni Mariel or pag-awayin. Pero, ang ginawa niya raw ay hindi na lang niya pinansin.
Kay Bianca rin namin nalaman na sa susunod na season ng PBB ay posibleng sila pa ring tatlo ang mga hosts at excited na raw siyang mag-reunion sila sa PBB. |