SUNDAY, JANUARY 16, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO 6/42 DRAW
January 15, 2011

06-02-08-38-42-32
P22,307,558.40

6-DIGIT 2-3-9-8-4-6

11AM SUERTRES 9-5-7
4PM SUERTRES 7-0-5
9PM SUERTRES 9-2-7

EZ-2 11AM
25-21

EZ-2 4PM
31-08

EZ-2 9PM
20-12

GRAND LOTTO 6/55 DRAW

05-51-12-25-54-33
P30,000,000.00

F O R E X
US Dollar 44.3200
Bahrain Dinar 117.553
Euro 59.3346
HK Dollar 5.70076
Japan Yen 0.534878
Saudi Riyal 11.8187
S’pore Dollar 34.4260
Taiwan Dollar 1.52696
UAE Dirham 12.0664
UK Pound 70.3269
ENTERTAINMENT
Alex Gonzaga, kabado kina Alice Dixson at Susan Roces
 

 


Ngayon ang birthday ni Alex Gonzaga. At napakagandang birthday gift sa kanya ng TV5 ang kauna-unahang drama series nila, ang Babaeng Hampaslupa, na pagbibidahan din nina Alice Dixson at Susan Roces.

Sabi nga sa amin ni Alex nu’ng makausap namin siya sa telepono, masyadong malaki ang tiwalang ibinibigay sa kanya ng TV5. Mula raw nu’ng uma­lis siya sa ABS CBN at pumasok sa Kapatid Network, tuluy-tuloy na ang biyaya sa kanya.

Tanong nga ni Alex, ano raw ba ang nakita sa kanya ng TV5 at ganun na lang ang pagtitiwala ng mga ito sa kanya.

Anyway, panay ang puri ni Alex sa mga co-stars niyang sina Alice at Susan. Napaka-supportive daw nito sa kanya.

“Si Ms. Susan, sa pictorial pa lang namin napaka-accommodating na niya sa akin. Ganun din si Ms.

Alice. Lagi niya akong kinakausap para mapa­lagay ang loob ko sa kanya,” kuwento ni Alex.

Sa susunod na linggo na raw ang simula ng taping nila ng Babaeng Hampaslupa.

At kabado man si Alex, pero lumalakas daw ang loob niya kapag naiisip niyang iga-guide naman siya nina Susan at Alice.

Samantala, ipinagdidiinan ni Alex na wala raw tala­gang namagitang relasyon sa kanilang dalawa ni Kean Cipriano.

“Wala talaga, eh. Friends lang talaga kami. Hindi ko pa nga siya nakakausap simula nu’ng nag-last taping day kami,” sey pa ni Alex.

***

Galit ang may-ari ng The Library na si Mamu Andrew de Real kay Chokoleit, kaugnay sa balitang pananampal umano ng komedyante sa mga baguhang sing-along masters ng Punchline at Laffline.

Nakumpirma ni Mamu Andrew ang ginawa ni Chokoleit sa pagtatanong niya sa ilang mga taong nakasaksi sa ginawa ni Chokoleit. Nu’ng mabasa raw ni Mamu ang sinulat naming pangyayari, agad itong nagtanung-tanong at nalaman niyang totoo palang pinagsasampal isa-isa ni Chokoleit ang mga bakla.

Hindi sana magri-react si Mamu, kaya lang ilan daw sa mga sinaktan ni Chokoleit ay mga alaga niya. Narinig nga namin na galit na galit na nag-dialogue si Mamu na gusto niyang sugurin si Chokoleit at sampalin.

Awang-awa si Mamu sa kanyang mga alaga na nakatikim ng sampal kay Chokoleit.

***

Mabibili na sa National Bookstore ang planner ng Sunlife International para sa 2011 na pinamagatang Pursuits Journal, Sunpiology. Maituturing na collectors’ item ang planner dahil halos lahat ng mga photos na nakapaloob ay kuha ni Piolo Pascual.

Nakakuha kami ng kop­ya ng planner at na-impress kami sa husay ng mata at kamay ni Piolo sa pagkuha ng mga la­rawan. Ang mga larawan ay personal niyang kuha sa mga lugar na pinuntahan niya.

Nalaman namin mula sa isang taga-Sunlife na idea ni Piolo na ilagay ang mga photo shots niya sa ilang pahina ng planner. Layunin ni Piolo na ang bawat planner na mabebenta ay may porsiyentong makukuha ang sarili niyang Hebrew Foundation.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
 
HOME TOP
 
Copyright © 2010, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section