SUNDAY, JANUARY 22, 2012   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
OPINION
Mga hula kay Corona

 

Nagkaroon ako ng pagkakataong magpunta
At maka-close encounter ang mga manghuhula
Sa mismong Quiapo Church kung saan marami
Sa kanila ang tinubuan na ng tahib sa tagal na nila
Sa hanapbuhay na ganito. Ang iba, hindi nahulaan
Na tatagal sila mula dalawampu hanggang tatlumpung taon
Sa pagbabalasa ng baraha at pagbasa sa kapalaran ng tao
Hindi sila “hostile” o galit sa akin at sa aking crew
‘Di tulad ng galit nila sa isang programa sa TV na pinakikialaman
Daw pati kanilang munting kabuhayan.


Anyway, ‘di naman din ganu’n ang pakay ko sa kanila
Alam ko namang barya-barya lang ang kanilang kita
At nasa tao rin naman ‘yun kung sila ay maniniwala sa hula
Anim na manghuhula ang aking kina-reer sa Quiapo
Halos lahat, matatanda na maliban sa dalawang lalake
Na kagulat-gulat na may sense ang sinasabi nila.


Ang tanong: Gaano nila kakilala si Renato Corona...


Na may kaarawang October 15, 1948 at nasa ilalim
Ng Year of the Earth Rat sa Chinese Calendar.


Marangal subalit padalus-dalos, iyan ang deskripsyon nila
Tanong: Magtatagal ba ang hearing? Lima sa anim
Ang nagsabing tapos ito sa buwan ng Pebrero.


Ang isa, nagsabing ito ay magtatagal ng anim na buwan.


Mase-sentensyahan ba si Corona? Apat ang nagsabing OO
Samantalang ang da­lawa ay abswelto pero ‘di rito magtatapos
Ang paghabol sa kanya ni PNoy. Clash of the Titans daw ito
Dahil pareho sila ni PNoy na isinilang sa parehong birth sign
Hindi na rin daw mababawi ng gobyerno kung anumang yaman
Ni Corona ang nasa usapin ngayon.


May nakita rin ang isa sa mga manghuhula na baraha
Na nagpapakita ng pagkakasakit umano ni Corona
Sa kalagitnaan ng pagdinig. Hmmm.. gagamit din kaya siya ng neck brace
O maghihiraman na lang sila ni dating Pangulong Gloria?


Sumatutal din kaya nito ay ang pagpapa-confine niya rin sa St. Luke’s?


Pero siniguro ng mayor­ya na maglalaho na si Corona pagkatapos nito
At hindi na muling makapaglilingkod sa gobyerno.


Kagulat-gulat din na updated ang mga manghuhula sa nagaganap
Sa pulitika mula sa pagkaka-ospital ni Gloria, pagkakakulong
Ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos at hospital arrest
Ni Gloria. Maging si Supreme Court spokesman Midas Marquez
Ay “very visible” sa kanilang pagpulso sa impeachment trial.


Hindi sila nagtataka kung bakit loyal pa rin si Marquez kay Corona
Pero tumanggi silang bigyan pa ito ng diin!


Well, anuman ang kahinatnan ng isinasagawang impeachment...


Nasa dikta na raw ito ng kanilang mga baraha.


Kaya antayin na lang natin ang mga susunod na kabanata.


Tsika na! marclogan_newskupo@yahoo.com

LETTER TO THE EDITOR: Meron po ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito: abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes).--Editor

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.2500
Bahrain Dinar 114.782
Euro 55.9525
HK Dollar 5.57309
Japan Yen 0.561615
Saudi Riyal 11.5324
S’pore Dollar 34.0230
Taiwan Dollar 1.44407
UAE Dirham 11.7758
UK Pound 67.3532
COLUMNIST OF THE DAY
May kuneksyon ba ang kaso nina Gatdula at Mancao?

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section