THURSDAY, MAY 05, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO

TAMA KA BA?

SERIOUSLY!?

ENTERTAINMENT
Parusa ng MTRCB, maluwag na tinanggap ni Willie
 


 

One month suspension ang parusa na ipinataw ng MTRCB sa Willing Willie, pero puwede nang bumalik sa susunod na linggo ang programa dahil ibinawas ang tatlong linggo na voluntary suspension na aksyon ng TV5 management bilang self-regulation.


On probation din ang Willing Willie kaya bibigyan ito ng per episode permit hanggang mapatunayan ng MTRCB na seryoso ang TV5 at ang Wil Productions sa pagpapatupad ng self-regulation measures.


Nakalagay sa desisyon na inilabas ng MTRCB ang paalaala ni MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares sa mga celebrity at TV personality:


“Celebrities and TV personalities should exercise the highest degree of care and diligence, as they are the most seen, and their reach and influence is far greater than any other individual. It is the res­ponsibility of the network and their talents to educate themselves regarding: gender sensitivity, children and women’s rights issues; the rights of indigenous people, persons with disabilities, senior citizens, and other marginalized sectors of the society.


“Let this Decision stand as a reminder to all networks, producers, directors, public figures, celebrities and hosts that: We are all advocates. And as advocates, we are duty-bound to fight for a TV industry that does not only make us ‘eat for a day’ but an industry that inspires, transforms, and moves us, to live better lives.”


***


Maluwag sa kalooban na tinanggap ni Willie Revillame ang desisyon at napanatag siya sa katotohanan na walang nakita ang MTRCB na may child abuse, exploitation o cruelty na nangyari sa 6-year old boy na naging contestant ng kanyang programa noong March 12, 2011.


Nang makausap namin si Willie, hindi pa niya masabi ang exact date ng pagbabalik sa TV ng Willing Willie, pero araw-araw na ang rehearsals nila ng production staff at ng kanyang mga co-host.


Kasabay ng pagpapakilala ni Willie sa mga bagong segment ng show ang unveiling ng state of the art new set ng Willing Willie na nagkakahalaga ng P23 million.


Inulit ni Willie ang lubos na pasasalamat sa TV5 owner na si Manny Pangilinan dahil sa suporta na ibinibigay nito sa kanya at sa Willing Willie. Ayon kay Willie, si Pangilinan ang gumastos sa bagong set ng kanyang programa.


***


Bilang pagkilala sa husay ni Representative Manny Pacquiao bilang kanilang endorser at dahil sa laban nito kay Sugar Shane Mosley sa darating na Sabado (Las Vegas time), muling naglabas ang Nike ng training shoes, ang Air Trainer Max 1.3.-Manny Pacquiao Edition.


Bukas ang grand launch ng Manny Pacquiao Edition Air Trainer Max shoes sa Niketown, Los Angeles California. Mabibili ang sapatos sa halagang US$160+tax.


May mga wristband na ipamamahagi para sa mga nagbabalak pumunta sa launch at mabibigyan sila ng pagkakataon na manalo ng mga autographed Manny Pacquiao merchandise.


***


Amazing experience ang description ng veteran actress na si Gloria Romero sa bagong primetime show niya sa isang TV network dahil si Maryo J. delos Reyes ang direktor.


Si Gloria ang bida sa TV series tungkol sa isang babae na hinahanap ang tunay na tagapagmana ng kanyang mga kayamanan. Ipinakikilala sa primetime show ang tatlong baguhang child stars, sina Kylie Ocampo, Barbara Miguel at Mona Louise Rey.


Matagal nang hindi nagkakatrabaho sina Gloria at Maryo kaya ang drama series ang kanilang reunion project. Co-stars ni Gloria sa primetime show sina Camille Pratts, Mark Anthony Fernandez at Katrina Halili.

 


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 42.9600
Bahrain Dinar 113.939
Euro 63.6322
HK Dollar 5.52905
Japan Yen 0.531034
Saudi Riyal 11.4552
S’pore Dollar 34.9313
Taiwan Dollar 1.50422
UAE Dirham 11.6958
UK Pound 70.7116
COLUMNIST OF THE DAY
JP2, we love you
   
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section