www.abante-tonite.com
 
 
 
 
 
GABAY NG DIYOS

BUNGA NG
KAHIRAPAN!
Tinutulungang maiahon ng mga kawani ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) si Ricardo Espino, 22-anyos matapos mahulog sa Bernardo Creek sa may Nepa-Q Mart habang namumulot ng mga basura. (Chris Villarin)

  • PAMASAHE TUMAAS NA!
  • Susi sa masaker tigok na
  • Esperon bagong peace adviser
  • Meralco 'maninikluhod' kay Gloria
  • NEWS FEATURE: 'Power struggle' sa PCGG, lalong umiinit
  • PAMASAHE TUMAAS NA!
    Nina Erika Maala, Jun Tadios at Dindo Matining

     

    May bagong pasakit na naman kay ‘Juan dela Cruz’, ito ay matapos ianunsyo kahapon ng Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) ang panibagong fare hike sa Metro Manila, Region 3 at Region 4.


    Sakop ng P0.50 provisional fare increase ang mga commuters ng jeepney at bus na nakatakdang ihataw sa darating na Miyerkules, Mayo 21, alinsunod sa direktiba ng LTFRB.


    Ayon kay LTFRB chairman Thompson Lantion, mula sa kasalukuyang P7.50 minimum fare sa jeep, aakyat ito sa P8.00.


    Sasagasaan din ng bagong fare hike ang mga ordinary bus na biyaheng Metro Manila na nakatakdang magdagdag ng singil mula sa dating minimum fare na P8 ay aakyat sa P9, habang ang mga air-conditioned buses ay maniningil na ng P11.50 mula sa da­ting P10.00 minimum na pasahe.


    Ang mga provincial buses naman sa Region 3 at 4 ay magdadagdag-si­ngil ng P0.10 sa kanilang kasalukuyang minimum fare at P0.25 naman sa mga air-conditioned buses.


    Inanunsyo ng LTFRB ang bagong dagdag-pasahe mula sa hirit na fare hike ng mga jeep at bus operators dahil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis nitong mga nagdaang araw.


    Pumapalo na sa mahigit $126 kada bariles ang pres­yo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, na lubos namang nakakaapekto sa oil market sa Pilipinas.


    PISTON umalma


    Samantala, agad na bi­na­tikos ng Pag-isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ang pahayag ng LTFRB ukol sa pagtaas ng pamasahe sa darating na Miyerkules.


    Ayon sa kay secretary general George San Mateo ng PISTON, hindi lamang halagang 50 sentimos kada pasahero ang kalutasan ng walang habas na pagtaas ng produktong petrolyo sa bansa.


    Aniya, pampalubag-loob lamang ang inaprubahang 50 sentimos provisional fare hike dahil hindi nito matutugunan ang problema ng mga tsuper dahil sa walang patid na pagtaas sa presyo.


    Dagdag pa nito na may parating pang P7 na pagtaas ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis kung kaya’t kakarampot lamang ang P.50 na dagdag sa pasahe.


    Nilinaw ni San Mateo na hindi P.50 provisional fare increase ang kanilang hiniling noong isinagawa nila ang nationwide strike kundi nais nilang maalis ang 12% EVAT sa langis, ibasura ang Oil Deregulation Law at kontrolin ang oil price hikes.

     
     
                  Search for keyword
     
    EXCHANGE RATE

     
    Copyright © 2008, Monica Publishing Corporation. All Rights Reserved
    designed and developed by:
    MIS Section