|
Si Judge Jesus B. Mupas, sa kabila ng pagiging hukom sa nakalipas na 10 taon ay hindi pa nalagay sa headline ang pangalan hanggang mapunta sa kanya kahapon ang kasong electoral sabotage laban kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.
May edad na 52, may-asawa at tatlong anak isang lalaki at dalawang babae, abogado ang kanyang asawa na si Atty. Lorinda Mupas.
Una naging katungkulan ni Judge Mupas ay bilang prosecutor sa Department of Justice (DOJ) at naging executive judge din ng Municipal Trial Court sa Cavite.
Taon 2005 nang siya ay maging hukom sa Pasay City Regional Trial branch 112. Sa paglalarawan ng kanyang staff ay simple lamang ito pero talagang masipag at isa sa katangian nito ay mabilis talagang magtrabaho at magresolba ng mga kaso.
|