SATURDAY, NOVEMBER 26, 2011   ARCHIVES ABOUT US
LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
TOP STORIES
Magaling na si Gloria -- spine doctor
(Armida Rico/Aries Cano)
 

Dumating kahapon sa sala ni Judge Jesus Mupas ng Pasay City Regional Trial Court (RTC) Branch 112 ang tatlong doktor na sumusuri, nag-opera at patuloy na gumagamot kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at isa sa mga ito ang nagsabing magaling na ang pasyente at pwedeng lumabas ng ospital anumang oras.


Sa pagsisimula ng pagdinig kahapon ng mga mosyon ng panig ng depensa at tagausig dakong alas-nuwebe ng umaga ay unang inilaban ng mga abogado ni Gng. Arroyo, ang mag-amang Attys. Jose at J. Alberto Flaminiano, na huwag nang masalang sa witness stand ang sinuman sa tatlong sumipot na doktor na sina Dr. Juliet Gopez-Cervantes, Dr. Roberto Mirasol at Dr. Mario Ver.


Ayon sa mag-amang Flaminiano, hindi na kailangan ang anumang pahayag ng mga manggagamot ng dating pangulo dahil wini-withdraw na nila ang petisyon para ilagay sa ‘hospital arrest’ ang kanilang kliyente.


Sa halip ay mosyon na isailalim na lamang sa ‘house arrest’ ang kanilang isinusulong.
Ngunit maging ang ‘house arrest’ petition ay mariing tinutulan ng tagausig sa pangunguna ni Atty. Maria Juana Valeza, hepe ng Investigation and Prosecution Division ng Comelec, at iginiit na mahalagang marinig mismo sa mga doktor ng nakademandang dating lider kung ano talaga ang kondisyong medikal nito.


Sa huli ay sumuko rin ang depensa at sa kanyang testimonya matapos pa­numpain ay sinabi ni Dr. Ver na medically fit na para lumabas ng ospital ang pasyente. “(Arroyo) is fit to be released as outpatient,” anang manggagamot.


Matapos marinig ang testimonya ng orthopedic surgeon ng nasasakdal na dating pangulo ay inatras na rin ni Valeza ang pagpayag na ilipat si Gng. Arroyo sa isang government hospital at sa halip ay isinulong ang agarang paglipat nito sa detention facility na inihanda ng Southern Police District (SPD).


“We moved that she be transferred to a detention facility…We have no control over her house and we cannot monitor her constantly. The house is not under jurisdiction of the courts,” giit ng abogado ng Come­lec.

“She will be staying there in a room without the company of other prisoners. The size is quite adequate for her personal and medical needs,” dagdag pa nito na agad namang tinutulan ng mga abogado ng dating pangulo.


Tumanggap naman ng batikos mula sa militanteng grupo ng overseas Filipino workers (OFWs) na Migrante International-Middle East ang mga taga­pagsalita ni Gng. Arroyo dahil sa hinalang matagal na nagtakip ang mga ito ng katotohanan sa tunay na kalagayan ng dating pangulo.


“It is crystal clear now that the Arroyo camp speaking through its spokespersons is only deceiving the public after it now seeks for her house arrest and confirming that she after all is recuperating and is capable of going out to the hospital.

Arroyos are still the same homo sapiens lying through their teeth as always in their vain attempt to evade prosecution from the many ‘sins’ it committed against the Filipino people,” anang grupo.


Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 43.4750
Bahrain Dinar 115.288
Euro 58.0827
HK Dollar 5.57803
Japan Yen 0.563469
Saudi Riyal 11.5923
S’pore Dollar 33.1813
Taiwan Dollar 1.42859
UAE Dirham 11.8075
UK Pound 67.3986
COLUMNIST OF THE DAY
Ang desisyon ng Korte

 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section