SUNDAY, OCTOBER 30, 2011   ARCHIVES ABOUT US

LOTTO

TAMA KA BA?

Custom Search
OPINION
Limang milyon, si GMA at si Claudine
 

Halu-halo mga ‘igan ang mga isyu na na-jengjeng natin sa buong linggo.


Pinag-uusapan pa rin ang limang mil­yong piso na ‘confidence building fund’ na ibinigay ng Aquino Administration sa foundation ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).


Ito raw ay nauna nang commitment ng Arroyo administration sa halagang P4 milyon.


Samantala, mukhang milyong piso rin ang nawala sa bank account ng aktres na si Claudine Barreto-Santiago. May ugong na naghiwalay na sila ng aktor na si Raymart pero wala pang naririnig sa kampo ng lalaki.


Tila mukhang sa susunod na linggo ay makakaalis palabas ng bansa si dating Pangulong Gloria Arroyo para magpagamot. Pero ginagawa lahat ni DOJ Sec. Leila De Lima para siya ay mapigilan.


Kaya mag-jengjengan na tayo mga ‘igan.


SAAN NA NGA BA’NG BARKADA
(pinasikat ng Apo Hiking Society)


Nagsimula ang lahat sa giyera..
Nagbabakbakan at patayan...
Nagtatalo sa  ideolohiya
Hindi maawat sa isa’t isa..
Madalas ang ambush sa kabundukan...
Ilang sundalo na ang nawalan
Laging may hawak-hawak na bala..
Konting udyok lang barilan na..
Kay simple lang ng buhay noon
Walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung
Sa’n na napunta limang milyon
Sa’n na nga ba?
Sa’n na nga ba?
Saan na napunta limang  milyon..?


AWIT NG BARKADA
(pinasikat ng Apo Hiking Society)


Nakasimangot ka na lang palagi
Nasa watchlist ka ni Secretary
Nakakasama nga ng loob...
Sa’n ba talaga pupunta?
Makalimutan mong umuwi pa
Sumasayad na sa lupa ang duda ni De Lima...


REFRAIN:


Kahit sino pa man ang may kagagawan ng iyong mga kaso
Ay isipin na lang na ang karma kung minsan ay nagbibiro
Nandito si FG, ang kasabwat mong tunay,
Dadawit sa ‘yo
Sa lungkot at ligaya, hanggang Muntinlupa
Siya’y kasama mo.
Kung ZTE may pinag-awayan
Kung salapi ay huwag nang pag-usapan
Tayo’y ‘di naggugulangan
Kung ang kaso mo’y nagkatambakan
At kaalyado  ‘di na mabayaran
Lahat ng bagay sa huli ay may katarungan.


(Repeat Refrain)


Kung hahanapin ay kagalingan
Maging malalim o may kababawan,
Sa St. Luke’s may nakalaan
Kami’y asahan at huwag kalimutan
Maging check-in madalas o minsan
Pagkat iba na nga ang may pinagsamahan.


(Repeat Refrain)


CODA:


Kasama mo
Kasama mo
Kasama mo...
PANAKIP-BUTAS
(pinasikat ni Hadji Alejandro)
Girl, umiiyak ka nga ba
Nakita ko sa TV
Humihikbi ka pa..
Ito ba ang wakas
Ng iyong problema
Ayokong makita at tiyak pagpipiyestahan ka nila..


REFRAIN:


O Claudine, kung ‘di mo na kaya
Sige umiyak pa...
Sige ipagpatuloy mo ‘yan...
Panakip-lunas kailangan mo ‘yan.
Naunahan ka yata
Ano ang nangyari?
Nawala ba ang  pera
Ngunit kung ika’y nangangamba sa buhay..
Huwag mong kalimutang magdasal at lumapit sa Kanya.


(Repeat Refrain)

 

LETTER TO THE EDITOR: Meron po ba kayong saloobin na gustong iparating sa patnugutan ng ABANTE o gustong ipaalam sa gobyerno sa pamamagitan ng inyong lingkod na dyaryong ito? Ipadala lamang sa email address na ito: abante_editor@yahoo.com

Importante: Opsyon ng nagpadala kung hindi ipapabanggit ang kanyang pangalan at iba pang impormasyon sa publikasyon ng sulat, pero kailangang nasa email ang kumpletong pangalan, contact number at address (for Abante file purposes).--Editor

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
FOREX
US Dollar 42.6200
Bahrain Dinar 113.035
Euro 60.2966
HK Dollar 5.48972
Japan Yen 0.562343
Saudi Riyal 11.3650
S’pore Dollar 34.3184
Taiwan Dollar 1.42723
UAE Dirham 11.6036
UK Pound 68.7631
COLUMNIST OF THE DAY
Para sa mga nasa sementeryo
 
 
Loading
HOME TOP
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section