MONDAY, SEPTEMBER 12, 2011 ARCHIVES ABOUT US SEARCH TOPIC

LOTTO

TAMA KA BA?

SERIOUSLY!?

CRIME STORIES
HEPE SINUBUAN NG BARIL, HINUBARAN NG ALAHAS
(Nonnie Ferriol/Rommel Fuertes)

Inabangan ng holdaper ang hepe ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Mandaluyong City Police, sinubuan ng baril at saka hinubaran ng alahas na nagkakahalaga ng P380,000 kahapon ng umaga sa mismong balwarte ng opisyal.

Masuwerte namang nakaligtas sa tiyak na ka­pa­hamakan ang biktima na si Insp. Jaime Masilang, nakatira sa Fabella St., Bgy. Plainview, ng nasabing lungsod.

Gayunpaman, nasawi rin ang holdaper nang maispatan ng mga pulis na nakatira rin sa nasabing lugar at magkaroon ng putukan.

Sinabi ni Masilang, kay Sr. Supt. Armando Bolalin, hepe ng Mandaluyong City Police, na dakong alas-8:30 ng umaga, papasok na umano siya sa opisina at habang patungo sa kanyang kotse ay nakita niya umano ang hindi kilalang lalaki na nakasandal sa pintuan ng kanyang sasakyang CRV na kotse.

Bigla umano siyang tinutukan ng .45 na baril ng salarin at nagdeklara ng holdap. Isinubo umano sa kanya ang baril at isa-isang pinitas ang kanyang gintong bracelet at sing­sing.

“Nakita niya mas ma­ka­pal ang kuwintas ko kaya tinanggal niya ang nakasubong baril para ma­tanggal niya ang kuwintas ko, kaya nakakita ako ng pagkakataon at nakatakbo sa likuran ng sasakyan at nakuha ko ang baril,” ani Masilang.

Nagkataon naman uma­nong nagkakape sa taas ng kanyang bahay si SPO3 Elmer Santos, personal body guard ni Ma­yor Benhur Abalos at kapit-bahay sa Fabella St. ni Masilang, at nang makita nitong hinohol­dap ang opisyal ay rumes­ponde ito.

Si Santos ay sinalubong ng bala ng baril ng look-out, ngunit nakaganti ito ng putok kahit sugatan hanggang mapaslang nito ang salaring si Edwino Regis y Limos, nasa hustong gulang, ng No. 62 A. Masaya St., Bgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Tinamaan din ng ligaw na bala si Lulu Paño, isang Non-Uniformed Personnel (NUP) at nakatalaga sa Tactical Operation Center (TOC) ng Mandaluyong City Police, misis ni Insp. Justiniano Paño na hepe naman ng Mandaluyong City Mobile Patrol Unit, na kapit-bahay rin ni Insp. Masilang, na agad ring tumulong sa pakikipagbarilan sa mga suspek.

Sinabi ni Masilang na planado ang aksyon ng mga salarin.

Narekober sa nasa­wing salarin ang mga gintong alahas na pag-aari ni Masilang, cal. 45 baril at motor na metallic black na may plakang 9585-NR.

Nakatakas ang kasamahan ni Regis na nga­yon ay pinaghahanap ng pulisya.

Become a fan on facebook
Follow us on twitter
For your e-paper registration & subscription just click on the image below
FOREX
US Dollar 42.4800
Bahrain Dinar 112.670
Euro 57.9852
HK Dollar 5.44888
Japan Yen 0.547705
Saudi Riyal 11.3274
S’pore Dollar 34.5759
Taiwan Dollar 1.45469
UAE Dirham 11.5655
UK Pound 67.4455
COLUMNIST OF THE DAY
“Pakialamero”
   
HOME TOP
 
Copyright © 2011, Monica Publishing Corporation. All rights reserved.
Designed and developed by:
MIS Section